in

‘Wish Ko Lang,’ star-studded ang month-long anniversary!

19 years na ang Wish Ko Lang! at sa loob ng halos dalawang dekada, marami na rin itong pangarap na tinulungang matupad. At sa gitna ng pandemya, patuloy ang programa ni Vicky Morales sa pagbibigay ng pag-asa sa bawat Pilipino. Bilang treat sa loyal viewers, isang month-long anniversary special ang handog ng Wish na pagbibidahan ng mga naglalakihang artista.

Una na rito ang bagong Kapuso na si Pokwang na bibida sa episode ngayong July 3 kasama sina Jeric Gonzales, Arra San Agustin, Jennie Gabriel, at Bench Hipolito. Sa kuwentong “Ang Forever ni Miss Virgie,” isang dedicated Filipino teacher na nagngangalang Virgie ang gagampanang karakter ni Pokwang. Dahil sa kabusy-han, hindi na nakapag-asawa si Virgie. Pero hindi niya aakalaing sa 25th anniversary ng kanilang paaralan, makikita niya ang isa sa mga dati niyang estudyante na si Joshua (Jeric Gonzales) na mahuhulog ang loob sa kanya at magiging manliligaw niya. Hahadlangan naman ng ex-girlfriend ni Joshua na si Pauline (Arra San Agustin), na dati ring estudyante ni Virgie, ang namumuong pagtitinginan ng dalawa.

Bukod kay Pokwang, dapat ding abangan ang iba pang bigating guest stars sa 19th anniversary ng bagong ‘Wish Ko Lang,’ tulad nina Christopher de Leon, Albert Martinez, Rhian Ramos, at Sanya Lopez.

Mapapanood ang ‘Wish Ko Lang’ tuwing Sabado, 4 p.m. sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Star Music, mahigit 60 ang nominasyon sa 2021 PMPC Star Awards for Music

Tom Rodriguez, hindi tipikal na ‘kontrabida’ ang role sa ‘The World Between Us’