Dalawampung artista mula sa seasoned actors, Star Hunt alumnus, at Rise Artist Studio ang mga opisyal na bahagi ng lumalaking pamilya ng Star Magic matapos ang kanilang exclusive contract signing sa talent management agency noong June 19.
Ngayong taon ay mas lumawak ang strategic partnership ng Star Magic sa Rise Artists Studio, Star Hunt, at sa iba’t ibang production units ng ABS-CBN, maging sa pakikipagtulungan sa mga co-management kagaya ng independent managers na si Arnold Vegafria, at iba pa.
JOHN ARCILLA. Kilala bilang siya “Heneral Luna”, si John ay maikokonsidera bilang isa sa mga haligi ng pag-arte sa kanyang henerasyon. Gumanap sa mga di malilimutan at markadong mga karakter, hindi lang sa Pilipinas, maging sa ibang bansa dahil sa kanyang mahusay na pagganap. Hindi niya maitago ang kanyang saya dahil sa sa wakas ay makakatrabaho niya ang mga co-Star Magic artists para ibahagi ang kanyang kaalaman sa industriya. Napapanood si John gabi gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano.
ANGELINE QUINTO. Tinuturing na “Queen of Teleserye Theme Songs” si Angeline na isang tunay na pamilya ang Star Magic at buo ang kanyang pasasalamat sa nasabing premier talent management. Matapos magpahinga matapos ang pagkawala ng kanyang Mama Bob, malaki pa rin ang pasasalamat ni Angeline ngayong 2021. Hindi lang siya napapanood sa Kapamilya primetime soap na “Huwag Kang Mangamba”, siya rin ay magbabalik eskwela at muling paglunsad ng kanyang chicken wings business na naging malaking hit noong nakaraang taon.
MARC SOLIS. Pamilyar na si Marc dahil sa 26 years niya sa showbiz at mula sa sikat na youth-oriented comedy variety show na “Ang TV”, at ang iconic fantasy-family film na “Magic Temple”. Mula noon, si Marc naging aktibo sa showbiz at naging bahagi ng iba’t ibang soaps at pelikula. Matatandaang si Marc ay dating miyembro Koolits kasama sina Baron Geisler at John Cruz na isa sa mga kilalang all boys group. Sa ngayon, siya ay isa sa mga aktibong bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang isa sa mga miyembro ng Task Force Agila.
SANDINO MARTIN . Isa si Sandino sa mga natatanging artista ng Star Magic na may sariling marka sa pag-arte, iba’t ibang parangal, at natatanging indie projects sa ilalim ng kanyang pangalan. Nakita niya ang kanyang kakayahan sa pag-arte noong siya ay kolehiyo nang kumuha ng Theater Arts sa UP Diliman, kung saan siya naging bahagi ng iba’t ibang dula at palabas. Matagumpay siyang nakatawid mula sa pag-arte sa entablado hanggang sa mainstream scene. Kung may isang bagay na pinahahalagahan ni Sandino, ito ay walang pag-aalinlangan na kunin ang kahit anong roles na ibigay sa kanya. Aabangan si Sandino sa Kapamilya soap na “The Broken Marriage Vow”.
LOU YANONG. Hindi pa rin makapaniwala si Lou na pumirma siya ng kontrata sa Star Magic, dahil aminado siya na tinitingala nya mga artista sa bakuran ng Star Magic. Kung noo’y dream nya ang ituloy ang kanyang pagmomodelo sa New York at Paris, mas pinili niya na ang makipagsapalaran sa showbiz kaya naman nagsilbing daan ang pagsali nya sa “Pinoy Big Brother 8”. Hindi naman siya nabigo dahil hiningaan si Lou sa angking ganda at karakter sa loob ng Bahay ni Kuya. Ito ay isang bagay na pinapakita niya sa kanyang YouTube channel bukod sa kanyang online decorating workshops . Habang naghihintay ng kanyang first acting project, mapa support or bida role ito. Si Jodi Sta. Maria ang isa sa pangarap niyang makatrabaho.
KIARA TAKAHASHI. Nagsimula bilang isang guest singer sa mga Filipino events sa Japan, nagkainteres si Kiara na subukan ang kanyang kapalaran sa showbiz para matupad ang kanyang pangarap. Sumabak sa mga workshops at nag-audition, at kalaunan ay nakapasok sa “Pinoy Big Brother 8”. Nakilala siya sa kanyang katatagan sa anumang mahirap na sitwasyon, ipinagmamalaki ni Kiara na may mga bagay na dapat pa niyang pagbutihin tulad ng pagkanta at surfing.
ASHLEY DEL MUNDO. Si Ashley ay nagmula sa Australia at naging Star Dreamer sa Camp Star Hunt Batch 3. Hanggang ang “Gr8 C” ay nakilala noong tumawid sa Big Brother House bilang isang official housemate. Inaamin ni Ashley na patuloy niyang inaaral ang takbo ng showbiz, sa katunayan ay nahasa ang kanyang kakayahan sa pag-arte at pag-perform. Pero ang pagkanta ay isa sa mga pangarap niyang matutunan pa, at, makasama sa isang proyekto sina Liza Soberano at Enrique Gil. Isa si Ashley sa kadalasang topic sa social media, at ngayon ay pinakita niya ang kanyang husay sa pag-arte sa trending series na “He’s Into Her”. Sa ngayon, siya ay abala sa kanyang online schooling para makatapos ng high school.
TAN RONCAL. Kung may isang isang bagay na kinasasabikan si Tan, ito ay ang maging bahagi ng Star Magic. Tuwang tuwa rin siya sa ideya na makakilala ng mga kaibigan at makatrabaho ang ilang personalidad na makakatulong sa kanya para mas maging mahusay sa showbiz. Tulad ni Ashley, nakita nag-umpisa rin siya bilang “Pinoy Big Brother” housemate kung saan natuto siya kilalanin at magkaroon ng kumpyansa sa sarili. Habang naghihintay sa tamang proyekto, ibinahagi ni Tan na pangarap niyang makatrabaho ang kanyang idolo na sina Daniel Padilla at Enrique Gil na mula noon idolo niya sa pag-arte.
RICHARD JUAN. Hinasa si Richard bilang maging isang negosyante ngunit ang nalihis ang kanyang kapalaran at naiba ang kanyang plano nang mabigyan ng chance na lumabas sa telebisyon. Ito na marahil ang nagbago sa kanyang pangarap at dahilan para magdesisyon na manatili sa industriya na natutunan na niyang mahalin. Isang Broadcast Communication graduate mula sa University of the Philippines si Tan ngayon at abala sa kanyang hosting stints. Aminado naman ang dating “Pinoy Big Brother 737” housemate na marami pa siyang dapat matutunan pagdating sa hosting . Nakitaan ng potensyal si Richard nang maging host sa “PBB Connect” at sa katatapos na “Bini: The Launch”
KOBIE BROWN. Nag-umpisa bilang isang modelo ang “Pinoy Big Brother: Connect” alum at Filipino-British football player Si Kobie. Naging isa sa kinakikiligang housemate dahil tiyaga sa kahit anong task na pinapagawa sa kanya sa reality show. Kaya naman naging tuloy tuloy na ang karera hanggang sumabak na siya sa showbiz, Wish nii Kobie na mahasa pa siya sa akting at makagawa ng isang magandang proyekto sa Kapamilya.
ANDI ABAYA. Naging modelo sa edad na trese bago hinirang na second big placer sa “Pinoy Big Brother: Connect” si Andi. Hindi nagtagal ay mas lalo niyang ipinakita ang kanyang hilig sa pag-arte kaya naman determinado siyang matuto at masipag sa mga workshops. Sa mga hindi makapag hintay ng matagal na makita ang kanyang husay sa pag-arte, siya ay handa na sa kanyang unang pelikula na, “Caught in the Act”, na napipisil na maging entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon. Istorya tungkol sa mga kabataang bumuo ng isang app para mahuli ang salarin sa isang krimen.
JAYDA. Hindi na paawat si Jayda na mas lalo parang pakinangin ang kanya bituin dahil na rin sa kanyang angking galing as a performer. Bukod sa pagkanta, isang songwriter rin ang dalaga nina Jessa Zaragoza at DIngdong Avanzado na nag-umpisa sa pagsusulat ng kanta noong 12 years old pa lamang siya. Recent compositions na patok ngayon ay ang MU or Malabong Usapan at Paano Kung Naging Tayo under Star Music. Naging madali na marahil sa kanya ang makapasok sa kanya bilang “isang showbiz royalty” pero para kay Jayda, marami pa siyang dapat patunayan bilang isang singer. Naging matagumpay ang kanyang first major concert kung saan napanood sa KTX.ph. Sasabak rin sa pag-arte si Jayda soon kaya siguradong aabangan din ito ng lahat.
KARINA BAUTISTA. Mapalad at inspired ang dalawang salita ng “Pinoy Big Brother Season 8” alumna na si Karina nang inilarawan niya ang bagong career bilang isang Star Magic artist at Rise Studios artist. Habang siya ngayon ay pinapares kay Aljon Mendoza, pangarap ni Karina na makamit ang mga major milestones sa pagkanta, pagsayaw at pagmomodelo. Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais niyang maging isang “shady” na karakter sa pelikula o maging host para sa PBB. Aabangan si Karina sa upcoming show na “Viral” kasama ang co- Star Magic at Rise Artists Studio na si Charlie Dizon.
ALJON MENDOZA. Matatandaan si Aljon na siya libo-libong nag-audition at maswerteng nakapasok sa “Pinoy Big Brother Season 7. HIndi man siya naging mapalad na maging Big Winner, bumuhos ang mga proyekto para sa kanya. Isa na rito, naging bahagi rin siya ng Rise Artists Studio at ibang palabas gaya ng “Sandugo” at ang “Maalaala Mo Kaya” episode. Ngayong 2021, aabangan rin siya bilang isa sa mga cast ng “Viral”, “Hoy Love You Season 2”, at “Love on the Move” sa TV5 bukod pa sa kanyang hosting stint with Karina sa “Bida Star”.
JC ALCANTARA. Laking Nueva Ecija at nag-umpisa bilang isang commercial model bago naging isang ganap na artista si JC. Nagsimula sa pagsakay ng bus mula sa probinsya hanggang Maynila para makapag-audition at ito ang nagsilbing motivation ng aktor para paghusayan ang kahit na anong proyekto na ibigay sa kanya. Nakilala lalo dahil sa kanyang role sa Halik hanggang sa nagsunod-sunod na ang kanyang proyekto. Produkto ng Star Magic 2019 kasabay sina Charlie Dizon at Belle Mariano, hindi na paawat ang blessings niya bilang isang aktor. Bukod sa mga guestings tulad ng Maalaala mo Kaya, humanga rin lahat sa kanyang magaling na pagganap sa BL series na “Hello Stranger”.
GIGI DE LANA. Malaki ang pasasalamat ng commercial model at performer na si Gigi simula nang maging bahagi ng Star Magic at Rise Artists Studio. Ang accountancy graduate na dalaga ay hindi na bago sa industriya at napanood sa kanyang mga TV guestings, music productions, at maging sa kanyang Youtube channel. Matatandaang unang nakilala at hinangaan ang kanyang talento sa entablado ng “Tawag ng Tanghalan”. Inaasahan si Gigi na mahasa pa ang kanyang mga kakayahan at magkaroon ng isang malaking proyekto.
ZACH CASTAÑEDA. Tiyak na isa si Zach Castañeda sa kakikiligan sa mga baguhang artista ng Star Magic Rise Artists Studio, Handa ang tisoy na binata na ipakita ang kanyang talento sa pagkanta at pag-arte. Hilig ni Zach ang mag-gitara at isang fitness enthusiast siya kaya naman maganda ang kanyang pangangatawan. Habang nakaabang sa kanya first project, ginugugol ni Zach ang kanyang oras para mahasa at matutong makisalamuha sa kanyang mga audience bilang isang KUMU streamer.
SHANAIA GOMEZ. Showbiz ang itinuturing ni Shanaia na first love kaya naman hindi tumigil ang dalaga na mag-audition since 2016. Napilitang bumalik at manirahan muli sa Canada nang hindi maging mapalad pero dumating na ang malaking oportunidad sa dalaga para maging bahagi ng Idol Philippines ng ABS-CBN. Ito na ang pinakahihintay ni Shanaia at nagdesisyon siyang bumalik sa Pinas para sa kanyang biggest break to date. Nakagawa ng mga commercial after her stint with Idol Philippines hanggang maging official Star Magic art Rise Artists na siya. Pangarap ni Shanaia na makatrabaho sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano at iba pang artista ng kanyang home management.
ALYSSA MUHLACH. Lumaki sa angkan ng mga Muhlach na mas kilala bilang pamilya ng mga artista, ito ay nagsilbing motibasyon para pumasok sa showbiz ni Alyssa. Isang beauty queen nang sumali siya sa 2018 Miss World Philippines at ngayon ay looking forward siya na mas lalong pagtuunan ang pag-arte at pagkanta. Unang pinarehas si Alyssa kay JM de Guzman sa “Pamilya Ko” at naging bahagi ng pelikulang “Clarita” Inaasahan niya na makapag record at maglabas ng kanyang sariling album at maging bahagi ng isang rom-com movie or TV series
KIKO ESTRADA. Mula sa pamilya ng mga batikang artista (mula sa kanyang lolo na sina Paquito Diaz at George Estregan, inang si Cheska Diaz, at amang si Gary Estrada) si Kiko. Aminado na isang karangalan na makilala bilang isang showbiz royalty pero hindi ito rason para hindi niya pinagbubutihan ang kanyang karera. Hindi rin naman naging malaking “pressure” sa kanya dahil mas nakakatulong ito para mas maging mahusay at mas lalong makilala bilang aktor. Mas lalong napansin dahil rin sa angking galing sa kanyang pagganap sa soap na “Bagong Umaga” at “Pamilya Ko”.
Abangan ang Star Magic Black Pen Day na isang milestone event para sa Star Magic, sa Hulyo 18, 9:30 ng gabi sa A2Z at Kapamilya Channel.