in

Angela Alarcon, gaganap na ‘Batang Madrasta’ sa ‘#MPK’

Tunghayan ang natatanging pagganap ni Kapuso actress Angela Alarcon bilang isang batang madrasta sa brand-new episode ng award-winning drama anthology na ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado, June 26. 

Lumaki si Leila (Angela) na isang Papa’s girl kaya naman hindi niya matanggap nang makulong ang kanyang ama at makahanap ng bagong asawa ang kanyang ina. 

Dahil dito, naging rebelde at maagang nakipag-releasyon si Leila. Nang iwan siya ng kanyang boyfriend, nakilala niya si Dan (Gardo Versoza), isang lalaki na hiwalay sa kanyang asawa at may dalawang anak. 

Kahit na malaki ang agwat ng edad, mabilis na nahulog ang loob ni Leila kay Dan. ‘Di kalauna’y nabuntis si Leila at tumira na rin kasama si Dan. 

Ang hindi inaasahan ni Leila ay magiging kumplikado ang kanyang buhay bilang batang madrasta.  

Hanggang saan ang kayang tiisin ni Leila? 

Makakasama rin nina Angela at Gardo sa episode sina Prince Clemente, Erin Ocampo, at Jenine Desiderio. Abangan ang natatanging kuwento na ‘yan sa #MPK ngayong Sabado, 8PM, sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paboritong ABS-CBN movies at teleserye, may English subtitles at dubbing na sa YouTube

Pinoy Shoe Designer ng Miss U, tampok sa ‘Paano Kita Mapasasalamatan’