in

Derek Ramsay at Andrea Torres, aminadong miss na ang isa’t isa

Hindi naging hadlang ang pinatupad na enhanced community quarantine para patuloy na magkaroon ng communication ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Kahit magkahiwalay ngayon ang magkasintahan at hindi makita ng personal ang isa’t isa, hindi nila kinakaligtaan na mag video call araw-araw para mag-kamustahan.

Ayon kay Derek, parte na ng kanilang daily routine ang pag-uusap at pagwo-workout ng magkasama. Bukod dito, nasubukan din nilang mag-yoga, mag-meditate at magdasal ng sabay.

Aminado rin silang miss na miss na nila ang isa’t isa kaya naman pangako ni Derek na pagkatapos ng lockdown ay magbabakasyon siya kasama ang kani-kanilang mga pamilya sa Palawan.

Samantala, magbabalik-telebisyon sina Derek at Andrea sa pagbibidahang drama series na ‘Sangggang Dikit’ sa GMA. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Celebrity Bluff,’ balik-telebisyon simula May 2

Althea Ablan, enjoy sa pagluluto!