in

Sheryl Cruz, gaganap na aswang sa #MPK

Tunghayan ang kakaibang kwento ng isang aswang na nagpapanggap na albularyo para sa kanyang kaibigan sa episode ng drama anthology na ‘Magpakailanman’ na pinamagatang ‘Kaibigan sa Umaga, Aswang sa Gabi’ ngayong Sabado, June 19.

Dahil nangangamba sa kaligtasan ng kanyang pamilya matapos ang pag-atake ng isang aswang, humingi ng tulong si Arlyn (Tina Paner) sa albularyong si Glorie (Sheryl Cruz). Hindi nagtagal ay naging malapit sila sa isa’t isa.

Hanggang isang araw ay nabalitaan ni Arlyn ang kagustuhan ng mga tao sa kanilang barangay na palayasin si Glorie. Pinatay raw kasi ni Glorie ang ipinagbubuntis ng kinakasama ng ex-boyfriend niya. Matapos magpaliwanag ni Glorie na hindi siya kagaya ng ibang aswang ay pinatawad din ni Arlyn ang kaibigan.

Sa pag-uwi ng asawa ni Arlyn ay pinagbawalan na nitong magkita pa ang dalawa. Kasabay nito ay nalaman din ni Glorie na niloko siya ulit ng kanyang kinakasama.

Matapos mawalan ng kaibigan at minamahal, magbabalik-loob na nga ba sa kadiliman si Glorie?

Abangan ang naiibang kuwento ng pagkakaibigan nina Glorie at Arlyn sa fresh episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, 8PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rafael Rosell, manggugulo sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Bida ang mga tatay ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’