in

Aicelle Santos at Mark Zambrano, kontento na sa bahay ang honeymoon

Bunsod ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic, sa bahay na lang pinagdiwang nina Centerstage host Aicelle Santos at asawa nitong si Mark Zambrano ang kanilang honeymoon matapos ikasal noong November 2019.

Ayon kay Aicelle, hindi raw nila alintana ang pagkaka-postpone ng kanilang honeymoon dahil kontento na sila sa presensya ng isa’t isa. “Mas nakikilala namin ang isa’t isa kasi mula naman nu’ng kinasal kami at tumira sa iisang bubong, busy pa rin kami pareho. May trabaho kami, so hindi rin kami nakakapag-spend ng time together. Ito ‘yung aming ‘pseudo honeymoon’,” ani ni Aicelle.

Dagdag pa ng Kapuso singer, mas marami raw silang oras na gawin ang mga newlywed couple activities gaya ng paghuhugas ng pinggan, pagluluto, at maging paglalaro ng computer games.

Naka-schedule sanang lumipad sina Aicelle at Mark patungong Japan para sa kanilang honeymoon dahil mahilig daw sila sa mga Japanese food. “Wala na muna kaming iniisip na pagre-rebook kasi hindi natin alam kung ano bang mangyayari after nito. Siguro safety muna, magandang dito muna tayo sa kani-kanilang mga bahay,” ani ni Aicelle.

Kasama ni Aicelle as hosts sa singing competition for kids na Centerstage hosted by Asia’s Multimedia Star Alden Richards sina Concert Queen Pops Fernandez at musical director Mel Villena. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovely Abella, na-prank ng ‘Bubble Gang’ cast

‘Celebrity Bluff,’ balik-telebisyon simula May 2