in

Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, nagsusumigaw ang chemistry!

Inaabangan na ng marami ang nalalapit na pagbabalik-tambalan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith sa upcoming GMA primetime series na ‘The World Between Us.”

Matapos ang team up nila sa ‘I Can See You: Love On The Balcony,” tila marami ang kinikilig at natutuwa sa malakas na on-screen chemistry nina Alden at Jasmine na nakatakda namang bumida sa The World Between Us bilang sina Louie at Lia.

Samantala, mula sa ipinasilip na bagong teaser ng series ay mapapansing may kinalaman sa ‘chain reaction machine’ ang kuwento nito.

Sa ulat ng 24 Oras ay ikinuwento ni Alden ang papel nito sa kanilang serye, “Sa buhay ng tao, everything is a series of chain reactions… Ipapakita nu’n kung paano ‘yung mga nangyayari sa buhay ng mga bida sa istorya ay maapektuhan ng action ng isa pang karakter and so on.”

Bukod kina Alden at Jasmine, kasama rin sa serye sina Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, at Kelley Day. Malapit nang mapanood ang The World Between Us sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mahigit 40 na artista, pipirma sa ABS-CBN sa Star Magic Black Pen Day ngayong Sabado

Markus Patterson, Jhong Hilario, Baron Geisler, Ryan Agoncillo, ibibida ang pagiging ama sa ‘Paano Kita Mapasasalamatan’ anniversary special