in

Dokyu ng ABS-CBN tungkol sa inaliping Lola sa Amerika, finalist sa NY Festivals

Isa na namang kwento ng Pilipino ang pumukaw sa atensyon ng mundo sa pagkakasama ng dokumentaryong “Fedelina: A Stolen Life” ng ABS-CBN DocuCentral sa mga finalist sa prestihiyosong New York (NY) Festivals TV & Film Awards.

Kwento ito ni Fedelina Lugasan, isang biktima ng human trafficking, na nakamit ang inaasam na kalayaan matapos inalipin at inabuso ng kanyang mga amo sa loob ng higit anim na dekada mula sa Pilipinas hanggang sa Amerika.

Tulad ng maraming Pilipinong nakipagsapalaran sa labas ng Pilipinas, ang kahirapan sa buhay at hangaring makatulong sa pamilya ang nagtulak kay Fedelina para mamasukan bilang domestic helper. Sa dokyu, na unang ipinalabas noong Oktubre 2020, buong tapang ibinahagi ng 83-anyos na biktima ang masalimuot niyang karanasan mula sa kung paano siya ipinuslit sa bansa hanggang sa kung paano siyang sinubukang isalba ng mga kapwa Pinoy at awtoridad.

Kinuhaan sa Amerika at Pilipinas ang “Fedelina: A Stolen Life” na isa sa mga huling dokumentaryong nagawa ng ABS-CBN DocuCentral matapos ipatigil ang broadcast operations ng ABS-CBN noong 2020. Mapapanood pa rin ito ngayon via streaming sa iWantTFC.

Iaanunsyo sa darating na Oktubre 12 sa Las Vegas, USA ang mga magwawagi sa 2021 New York Festivals TV and Film Awards, kung saan nakasungkit ang ABS-CBN ng tatlong medalya noong 2020. Kabilang sa mga ginawaran ang “Local Legends (Silver World Medal),” “Alab (Bronze World Medal),” at “Tao Po (Bronze World Medal).”

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

John Lloyd Cruz, nakipag-meeting na sa GMA Network exec!

Matapos magpabakuna, DongYan marami ang nahikayat!