in

Aicelle Santos, may awit ng pag-asa para sa mga Pilipino

Isa na namang inspirational at nakaaantig na music video ang ini-release ng GMA Artist Center para maghatid ng pag-asa sa ating mga kababayan, ang “Tuloy Tuloy Lang” na inawit ni Aicelle Santos.

Ipinakita sa music video ang iba’t ibang acts of kindness ng Kapuso stars para sa frontliners at mga komunidad na apektado ng enhanced community quarantine.

Sa panulat ni Kiko Salazar, maririnig sa kanta ang mga linyang “Diba’t ganyan ang buhay paiba-iba ng kulay, Ikaw na rin ang siyang patunay… Tuloy Tuloy…” na nawa’y makapagpaalala sa mga Pilipino na malalagpasan natin ang kinahaharap na krisis.

Bisitahin lamang ang social media accounts ng GMA Artist Center kung nais mapanood ang music video. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, nakipag-bonding sa fans online

Step by step procedure, inilabas para sa mga gustong sumali sa ‘Tutok To Win’