in

Mga Pilipino abroad, nakiisa sa ‘Feel Good Pilipinas’ Dance Challenge

Maliban sa mga artista at mga Pilipinong naghahatid ng liwanag at ligaya sa kanilang kapwa, bumida rin sa “Feel Good Pilipinas” Special ID ng ABS-CBN ang mga kababayan nating nakiisa sa dance challenge mula sa iba-ibang parte ng mundo.

Kasama ang kanilang mga kaibigan at kapamilya, humataw ang mga Pinoy sa Malta, Hong Kong, Qatar, Canada, USA, Italy, New Zealand, Norway, UK, at France sa bagong dance craze na nagpapaalala na maaari pa ring maging masaya at makulay ang buhay sa kabila ng pandemya.

Napanood rin sa Special ID kung paanong nananatiling parte ng buhay ng mga Pilipino saan man sa mundo ang ABS-CBN sa pamamagitan ng iba-ibang plataporma. Bukod sa Kapamilya Channel at A2Z, napapanood na rin sa buong Pilipinas ang ibang programang Kapamilya sa TV5, sa pamamagitan ng pagre-scan ng mga digital box tulad ng TVplus. Madali ring napapanood ang ABS-CBN shows online sa iWantTFC, WeTV iflix, at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, habang nariyan pa rin ang TFC para sa overseas Filipinos.

Samantala, hindi lang global Pinoys ang nakitang umindak sa “Feel Good Pilipinas” Special ID. Hindi rin nagpahuli ang mga Pilipino na patuloy na nagbibigay saya, nagsisikap para sa pangarap, at naglilingkod sa kabila ng mga pagsubok na dumarating tulad ng MMA Dancers, SPC Dancing Riders, ABS-CBN staff at crew, ABS-CBN dubbers, at elementary school teachers mula sa Surigao del Sur.

Kinilala rin sa video ang bayanihang ipinakita ng community pantry volunteers, ng “Pantawid ng Pag-ibig” team at partners, at maging mga karaniwang Pilipino, tulad ng isang magtataho at grupo ng mangingisda na hindi nagatubiling magbigay sa mga nangangailangan.

Kasalukuyang lampas 1 milyon na ang pinagsamang views ng Special ID sa YouTube at Facebook dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tao. Komento ng netizen na si Sir G vlogz sa YouTube, “I’m crying because despite the circumstances, eto pa rin ang abs cbn… Giving us the best station ID that can really bring the light and joy in our hearts!!! Congratulations mga KAPAMILYA! 💚❤️💙.”

Sabi naman ni Just Prax, “As one of the dedicated frontliners, kahit na super drained na kami sa sudden surge of Covid 19 cases, heto parin kami. Plus itong Kapamilya network’s summer ID!! Such a stress reliever! Kaya mahal na mahal kayo ng naming lahat eh! Salamat ABS CBN!!!”

Nagpahayag din ng saloobin ang netizen na si Jerald Bautista. Aniya, “Ito talaga ang tunay na kapamilya, kahit anong dagok ang dumating nanatili pa rin matatag at nagbibigay ng kasiyahan sa ating mga kapamilya. From A to Z mga kapatid (TV5) wala kayong limit.” Dagdag pa niya, “Mabuhay at maraming salamat din sa mga kapamilyang produkto na nanatiling sumusuporta para sa ating ABS-CBN.”

Patuloy ang pag-share ng liwanag, ligaya, sigla, at pag-asa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng “Feel Good Pilipinas” dance challenge at “Feel Good Pilipinas” Special ID. Mapapanood pa ang dance video at Special ID sa ABS-CBN Entertainment Facebook and YouTube at ibang ABS-CBN platforms. For Kapamilya updates, i-follow @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Andrea Brillantes at Francine Diaz, magkapatid sa ‘Huwag Kang Mangamba’?

Gerald Anderson, natuklasang nakunan si Yam Concepcion sa ‘Init Sa Magdamag’