in

Kristoffer Martin, gaganap na preso sa fresh episode ng ‘#MPK’

Tunghayan ang natatanging pagganap ni Kapuso actor Kristoffer Martin bilang isang bilanggo na magmamahal ng isang OFW sa brand-new episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, June 5.

Kapwa mga bilanggo sina Michael (Kristoffer) at Evelyn (Elle Villanueva) sa kani-kanilang buhay.

Dating macho dancer, holdaper, drug pusher, at isang jail inmate si Michael nang makilala niya si Evelyn. Ang dalaga naman ay isang abused OFW sa Hong Kong na para na ring bilanggo dahil sa mga responsibilidad sa kanyang malupit na amo.

Nang maging magka-chat sila sa Facebook at nagkaroon ng relasyon, inilihim ni Michael na nakapiit siya sa kulungan sa takot na layuan ni Evelyn na naging inspirasyon na niya sa kanyang pagbabagong-buhay. 

Paano kung malaman ni Evelyn ang buong katotohanan? May pag-asa pa kayang magkaroon sila ng happily ever after? 

Makakasama rin nina Kristoffer at Elle sina Victor Anastacio bilang Ayeng at Don Umali bilang Tatay Eko.

Saksihan ang isang nakakakilig at nakakaiyak na special fresh episode ng Magpakailanman na pinamagatang “Prisoners of Love” ngayong Sabado, 8PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

iWantTFC, nangungunang Free Entertainment Mobile App sa Pinas dahil sa ‘He’s Into Her’

Lovi Poe at Ben Alves, happy nang malamang fan ng ‘Owe My Love’ si Kara David