in

Rita Daniela, kinilala sa International Film Festival Manhattan Spring 2021

Umaapaw ang saya ng Kapuso actress na si Rita Daniela matapos makatanggap ng honorable mention para sa kaniyang nominasyon bilang Best Actress sa pelikulang “In The Name Of The Mother” sa ginanap na International Film Festival Manhattan Spring 2021.

Laking pasasalamat ni Rita sa New York-based festival sa pagkilala sa kaniyang naging pagganap sa pelikula, “This is encouraging to do better at my craft. Sarap lalo maging mahusay sa trabaho when someone appreciates your craft! God is still so good!”

Bukod sa proud na proud ang kaniyang fans sa bago nitong milestone, excited na rin sila sa muling pagbabalik ni Rita sa TV kasama ang ka-loveteam na si Ken Chan sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GKNB, FYE, MYX, at SeenZone, may 1 Million Kumu Followers na

Set ng ‘Voltes V: Legacy,’ talagang pinaghandaan!