in

Gabbi Garcia, maraming life lessons na natutunan sa ‘Encantadia’

Binahagi ni Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia na natutunan nitong mas mahalin ang kanyang sarili bago ang iba nang dahil sa role niya bilang si Sang’gre Alena sa Encantadia.

Sa kanyang latest YouTube vlog, inamin ni Gabbi na ang proyektong ito ang isa sa most memorable accomplishments niya sa entertainment industry dahil ito ang nagbigay sa kanya ng break.

“Grabe ‘yung growth na pinagdaanan ko, ‘yung progress ko as a person because of Enca,” ani ni Gabbi.

16 years old lamang si Gabbi nang mag-audition ito para sa role ni Alena na originally played by Karylle. Dagdag pa ni Gabbi ay ang dami niya raw napagdaanang ups and downs sa Encantadia at halos sabay silang nag-grow ng karakter nitong si Alena.

Gaya raw ni Alena na nais lang makahanap nang mamahalin, later on daw ay natutunan nito na kailangan munang mahalin ang sarili bago ibuhos ang pagmamahal sa iba.

“You can’t just really give out all the love if you’re not ready, if you don’t love yourself,” saad ni Gabbi.

Matapos pansamantalang tinigil ang mga taping ng teleserye, kasalukuyang napapanood ang rerun ng requel ng Encantadia kapalit ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jillian Ward, patok na rin sa TikTok!

Lovely Abella, may bagong career na!