in

Grand finalists ng ‘Centerstage,’ nakatanggap ng regalo mula sa show!

Napakagandang sorpresa ang ibinigay ng programang ‘Centerstage’ para sa apat na Grand Finalists nito na sina Rain Barquin, Colline Salaza, Vianna Ricafranca, at Oxy Dolorito! Niregaluhan sila ng programa ng tig-iisang laptop na puwede nilang magamit sa online school. 

Deserve na deserve naman ito ng talented Bida Kids ng GMA sa patuloy nilang pagbibigay ng saya sa pamamagitan ng kanilang talento tuwing Linggo. Kaya naman, laking tuwa ng viewers at fans nang malaman na extended pa ng isang linggo ang grand finals nito!

Kapana-panabik ang magiging desisyon ng Bida Voters at Centerstage judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Direk Mel Villena kung sino kina Rain, Colline, Vianna, at Oxy ang makakapasok sa Top 2!

Abangan kung kanino mapupunta ang titulong kauna-unahang Grand Winner ng ‘Centerstage’ ngayong Linggo, June 6, 7:40 PM, pagtapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ken Chan at Rita Daniela, ibang klase magpakilig!

Tambalang Rocco Nacino at Max Collins, pinusuan ng netizens