in

Mga Pilipinong naghahatid ng Liwanag at Ligaya, bibida sa ‘Feel Good Pilipinas’ Special ID ng ABS-CBN

Kaya nating magsilbing liwanag sa ating kapwa at sa mundo sa kabila ng pandemya. Ito ang napapanahong mensaheng hatid ng “Feel Good Pilipinas” Special ID ng ABS-CBN na ipalalabas na ngayong Linggo (Mayo 30) bago ang “ASAP Natin ‘To” at mapapanood muli pagkatapos ng “TV Patrol Weekend.”

Tampok sa Special ID ang sari-saring kwento ng mga Pilipinong patuloy na lumalaban, nagmamahal sa pamilya at kapwa, at inaabot ang pangarap maski panahon ng krisis.

Kasama nilang maghahatid ng inspirasyon at good vibes ang mga nagniningning na Kapamilya stars mula sa iba-ibang programa ng ABS-CBN tulad ng “ASAP Natin ‘To,” “FPJ’s Ang Probinsyano,” “G Diaries,” “He’s Into Her,” “Huwag Kang Mangamba,” “Iba ‘Yan!,” “Init sa Magdamag,” “It’s Showtime,” “Magandang Buhay,” “Paano Kita Mapasasalamatan,” “Your Face Sounds Familiar Season 3,” “Aja! Aja! Tayo sa Jeju,” at “We Rise Together,” kasama ang TeleRadyo anchors at MOR Entertainment MORkada.

Naroon din ang mga bituin mula sa mga programang sinubaybayan ng mga manonood tulad ng “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Bagong Umaga,” at “Walang Hanggang Paalam,” at mga inaabangang palabas gaya ng “La Vida Lena,” “Marry Me, Marry You,” at “The Broken Marriage Vow.”

Una nang naghatid ng liwanag at ligaya ang “Feel Good Pilipinas” noong Mayo 16 sa paglunsad ng dance video at dance challenge na layuning magpaindak sa mga Pilipino at gawing makulay ang mga araw habang nananatiling nasa loob ng bahay ang lahat. Kabilang sa mga nakisayaw ang isang grupo ng delivery riders, mga empleyado, at maraming pang Kapamilya sa bansa at buong mundo.

Sina “Asia’s Soul Supreme” KZ Tandingan at sina Mikki Claver, JL Toreliza, Akira Morishita, Nate Porcalla, at Gelo Rivera ng P-pop sensation na BGYO ang umawit sa “Feel Good Pilipinas.” Sina Lawrence Arvin Sibug at Robert Labayen ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division naman ang sumulat ng lyrics nito habang sina Thyro Alfaro at Francis Salazar ang gumawa ng musika. Likha naman ni Mickey Perz ang galawan sa dance challenge.

Abangan ang “Feel Good Pilipinas” Special ID ngayong Linggo (Mayo 30) at makisayaw sa inyong paboritong Kapamilya artists bago ang “ASAP Natin ‘To” at pagkatapos ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iba pang ABS-CBN platforms.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rita Daniela, emosyonal sa kanyang Best Actress nomination sa 11th International Film Festival Manhattan

David Licauco at EA Guzman, sasalang sa hot seat sa ‘The Boobay and Tekla Show’