in

Eula Valdez, naghimala sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Pinandigan na ni Deborah (Eula Valdes) ang pagkukunwari bilang sugo ng Diyos matapos niyang dayain ang isang himala sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nagpaulan ng petals si Deborah mula sa langit habang nakataas ang kamay na tila ba kinakausap ang Diyos para masaksihan ito ng publiko. Ang hindi alam ng mga tao, pinlano niya ito kasama si Mayor Simon (Nonie Buencamino) na umarkila pa ng makinang gagawa ng pekeng himala.

Gagamitin naman itong istorya ng mamamahayag na si Eva (Mylene Dizon) matapos niyang makuha sa camera ang pag-iyak at pagbubunyi ng mga debotong walang kaalam-alam na nililinlang sila ng pekeng faith healer.

Habang masaya si Deborah sa tagumpay ng panloloko niya, lumalakas naman ang pagdududa ng marami sa kakahayan nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) na maghimala pagkatapos i-report ni Eva sa TV ang pagkabigo nilang kausapin si Bro sa harap ng maraming tao.

Paano malalampasan nina Joy at Mira ang paninira sa kanila nina Eva at Deborah?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Dear Uge,’ may fresh episodes simula May 30

LOOK: Cast ng ‘Las Hermanas,’ enjoy sa kanilang lock-in taping