in

Julie Anne San Jose at Christian Bautista, sasabak sa online musical series

Bibida sa isang online musical series sina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.

Kasama ang theater at music icon na si Bituin Escalante at Philippine Theater Princess na si Gab Pangilinan, tinawag na “A production like no other” ang ‘Still: A Viu Original musical narrative series’ na tiyak na aabangan ng mga OPM fans at music enthusiasts sa bansa.

Parte rin ng cast ang up-and-coming talented artists na sina Abe Autea, Lance Reblando, Mike Shimamoto, at Gabby Padilla.

Samantala, ngayong araw ay nagdiriwang din ng kaniyang kaarawan si Julie. Tila umaapaw ang blessings sa kaniyang career at kasalukuyan siyang busy sa kaliwa’t kanang projects tulad ng pinagbibidahang GMA Primetime series na ‘Heartful Cafe’ at weekend musical variety show na ‘All-Out Sundays.’ Kamakailan din ay inilunsad niya ang bago niyang single na ‘Free’ under Universal Records. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kathryn Bernardo may mainit na sorpresa live ang back-to-back celebrations at world class performances sa ‘ASAP Natin ‘To’

‘Danger’ ni Iñigo Pascual, umeere sa sikat na US Radio Station