in

‘KMJS,’ most followed Filipino TV show sa Facebook

Hindi lang sa TV nangunguna ang favorite at always trending na KMJS kundi pati sa online dahil umabot na ito ng 23 million followers sa Facebook!

Dahil dito, ito na ang most followed Filipino TV program sa nasabing social media platform. Hindi na ito nakakagulat dahil patok na patok sa netizens ang viral content nito na laging pinag-uusapan. 

With over three million organic interactions including likes, comments, and shares per week, talaga namang overwhelming ang suporta na natatanggap ng KMJS. 

At ngayong 2021, mayroon nang higit sa kalahating bilyong views ang mga video ng programa sa FB page nito.

Matatandaang ang KMJS din ang number 1 TV program sa Pilipinas sa kabuuan ng 2020 base sa Nielsen Philippines’ Nutam Ratings.
Congratulations, KMJS!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

BGYO, pasok sa no.2 sa Billboard Next Big Sound Chart

KyCine at SethDrea, lumalalim ang samahan sa ‘Huwag Kang Mangamba’