in

Alice Dixson, ibinahagi na ang gender at name ng anak

Masayang ibinahagi ni Legal Wives star Alice Dixson ang pangalan at kasarian ng kanyang anak sa guesting niya sa ‘Bawal Judgmental’ ng Eat Bulaga last Saturday, May 8. 

Isa si Alice sa guests ng Eat Bulaga para sa kanilang Mother’s Day episode kung saan bida ang first-time moms. 

Share ni Alice, “Babae po ang anak ko. Her name is Aura.” 

Sana rin daw ay mas maaga niyang nalaman ang kasiyahang hatid ng pagiging nanay, “It’s an amazing experience. I wish that I knew about it earlier… and I wish nagkaroon ako ng opportunity to have a child earlier.” 

Kuwento pa ng aktres, challenging daw ang adjustments niya bilang first-time mom. “It’s not difficult kasi wala naman akong comparison pero siguro like all first-time moms, mahirap ‘yung puyat, mahirap ‘yung adjustments sa pagpapakain ng baby, saka sa totoo lang, hanggang ngayon wala pa rin akong yaya so, it’s all me,” aniya. 

Samantala, gagampanan naman ni Alice ang karakter ng isa sa mga asawa ni Dennis Trillo sa upcoming cultural drama series ng Kapuso Network na Legal Wives. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

KZ Tandingan at BGYO, magkakalat ng liwanag at saya sa ‘Feel Good Pilipinas’ ng ABS-CBN

Christian Bables, nagwagi sa pagbabalik ni Geneva Cruz sa ‘Your Face Sounds Familiar Season 3’