Lalo pang dumami ang mga ka-Jeepney sa Facebook dahil umabot na ng 5 milyon ang followers ng Jeepney TV habang patuloy itong naghahatid ng mga nakakaaliw at ‘di malilimutang kwento para sa mga Pilipino.
Puno ng nakakatuwang clips ang Facebook page ng cable channel na nagpapaalala sa mga netizens ng mga natatanging palabas ng ABS-CBN. Syempre, pwede ring tutukan ang “Game KNB?” kasama ang host na si Robi Domingo na araw-araw may simulcast sa page bukod sa livestream nito sa kumu.
Nito lang Marso, umabot na rin sa 1 milyon ang subscribers ng Jeepney TV sa YouTube habang meron na itong mahigit 656K followers sa TikTok at 133K followers sa Instagram.
Samantala, siguradong mae-enjoy ng mga manonood ang pagtutok sa Jeepney TV na hatid pa rin ang ‘di mapapantayang entertainment sa mga Pinoy.
Nagbabalik ngayong buwan ang mga tumatak na Kapamilya teleserye sa cable sa pangunguna ng “Kadenang Ginto” ng The Gold Squad at fantasy-drama nina Piolo Pascual at Zaijian Jaranilla na “Noah.”
Dapat ding abangan ang muling pag-ere ng drama series nina Joshua Garcia, Jane Oineza, Loisa Andalio, at Jerome Ponce na “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” at ang balik-tambalan nina Coco Martin at Julia Montes sa “Wansapanataym Presents: Yamashita’s Treasures.”
Balikan ang istorya ng “Noah” at “Kadenang Ginto” 8AM at 4PM mula Lunes hanggang Biyernes, at panoorin ang premiere ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita,” 5:45PM sa May 24 (Lunes). Eere naman ang “Wansapanataym Presents: Yamashita’s Treasures” 4PM kada Sabado.
Mapapanood ang Jeepney TV sa SKYcable channel 9, GSAT channel 55, Cignal channel 44, at sa iba pang major provincial cable systems sa buong bansa. Para sa iba pang detalye, sundan ang Jeepney TV sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, at mag-subscribe sa YouTube channel nito..