in

Tanong tungkol sa COVID-19, sasagutin ng ‘PPE: Pinoy Pandemic Essentials’

Maganda ang bagong campaign ng GMA News and Public Affairs na “PPE: Pinoy Pandemic Essentials” dahil layunin nitong sagutin ang mga simple pero importanteng tanong ukol sa COVID-19.

Dahil sa patuloy na pagdami ng variants ng virus, mahalagang maging informed ang publiko sa ika nga ay basic information tungkol sa COVID-19. Maiikling video ang mapapanuod sa GTV at sa social media accounts ng GMA News at Public Affairs at si Atom Araullo ang boses sa likod ng bawat video.

Nitong Miyerkules (May 5), ipinalabas na ang unang video na “May COVID Ba Ako?” na sinasagot ang simpleng katanungan: Paano nga ba masasabing positibo sa COVID-19 ang isang tao? Maraming sintomas ang COVID-19, kaya naman layunin ng PPE na ipaalala sa publiko na ‘wag balewalain ang simpleng karamdaman.

Ilan pa sa mga topic na dapat abangan sa mga susunod na araw ay ang “Close Contact Ba Ako?”, “Saan Puwedeng Magpa-Swab?”, “Negative Ba Ako o Positive?”, “Dapat Ba Akong Magpabakuna?”, at “Tayo-Tayo Lang Naman, Diba?”

Panoorin ang #PPE: Pinoy Pandemic Essentials, handog ng GMA Public Affairs! Dahil ang may alam, may laban! Tutok lang sa GTV at sa social media accounts ng GMA News and Public Affairs para sa iba pang impormasyon tungkol dito.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

JM de Guzman at Janine Gutierrez, mag-iibigan sa gitna ng lockdown sa ‘MMK’

Ben&Ben magpapasiklab sa Virtual Concert