in

GMA Public Affairs, may 15 million subscribers na sa YouTube!

Talaga namang palakas nang palakas ang online presence ng digital powerhouse na GMA Public Affairs!

Kamakailan nga ay umabot na sa 15 million ang subscribers nito sa YouTube–isang taon lang mula nang tumanggap ito ng Diamond Play Button Award mula sa video sharing platform matapos nitong magkaroon ng 10 million subscribers.

Mapapanood sa nasabing YouTube channel ang previously aired episodes ng favorite Kapuso public affairs shows. Nangunguna na rito ang patok sa on-air at online na Kapuso Mo, Jessica Soho. Kasama rin dito ang episodes ng mga award-winning documentary show na iWitness, Brigada, at Reporter’s Notebook; ang mga well-loved public affairs show na Wish Ko Lang!, Tadhana, at Imbestigador; ang feel-good infotainment at lifestyle shows na Biyahe ni Drew, AHA!, at Pop Talk; pati na rin ang pioneering online newscast na Stand For Truth; at iba pa.

Kaya naman huwag nang pahuli, subscribe na sa www.youtube.com/gmapublicaffairs.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rabiya Mateo, ipapakita ang kanyang ‘Hala Bira’ walk sa ‘Miss U’ pageant live sa A2Z

Zaijian Jaranilla, dala ang bandera ng ‘Pinas sa ‘Almost Paradise’