in

Aiai delas Alas at Snooky Serna, masusubukan ang pagiging ina sa ‘#MPK’

Ngayong Sabado (May 8), tunghayan ang natatanging pagganap nina Aiai delas Alas at Snooky Serna bilang dalawang ina na susubukin ng isang rebeldeng anak sa episode ng ‘Magpakailanman’ na pinamagatang ‘Anak, Saan Kami Nagkamali?’

Dahil hindi kaya ni Mercy (Aiai) na alagaan ang mga anak ay ipinaampon niya sa kanyang hipag na si Lourdes (Snooky) ang isa sa mga ito, si Shirlyn (Jhoanna Marie Tan). Dahil matagal nang hangad ni Lourdes ang magkaroon ng anak na babae, ibinigay niya ang lahat para kay Shirlyn.

Nang malaman ni Shirlyn kina Lourdes at Mercy ang katotohanang ampon siya, nagbago ang kanyang ugali at naging rebelde. Inintindi siya ni Lourdes pero naging istrikto naman si Mercy. Lalong naging mahirap ang sitwasyon nang mabuntis si Shirlyn ng kanyang nobyong mahirap pakisamahan ang ugali.

Kahit magkaiba ng prinsipyo at disposisyon, naging takbuhan ni Shirlyn ang kanyang dalawang ina. Sa kabila ng kanilang mga payo, sumuko si Shirlyn at tinuldukan ang sariling buhay.

Paano ito tatanggapin nina Mercy at Lourdes sa kabila ng ibinuhos nilang pagmamahal kay Shirlyn? Sino ang sumobra? Sino ang nagkulang?

Huwag palampasin ang espesyal na pagganap nina Aiai at Snooky sa episode na pinamagatang “Anak, Saan Kami Nagkamali?” ngayong Sabado, May 8, 8pm sa #MPK.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Balik-Kapamilya! Mylene Dizon, iimbestigahan ang himala nina Andrea Brillantes at Francine Diaz

Rabiya Mateo, ipapakita ang kanyang ‘Hala Bira’ walk sa ‘Miss U’ pageant live sa A2Z