Magbabago na ang buhay nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) pagkatapos kumalat at pagkaguluhan ang unang himalang nagawa nila nang magkasama – ang paggaling ng isang sugatang pulis – sa Kapamilya teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Pinagpiyestahan ng mga taga-Hermoso ang nangyaring milagro nang masaksihan nilang mawala ang mga tama ng baril ng police chief na si Fidel (Allan Paule) habang mataimtim na nagdarasal sina Mira at Joy.
Habang marami ang hindi makapaniwala sa himala, marami rin ang nabuhayan ng loob na hindi sila pinapabayaan ni Bro. Isa na roon si Fidel, na nagpasalamat sa Diyos at nangakong hindi sasayangin ang pangalawang buhay na ipinagkaloob sa kanya upang muling makasama ang kanyang pamilya.
Hindi naman papayag ang faith healer na si Deborah (Eula Valdes) na mapunta ang atensyon kina Mira at Joy. Kaya naman, nakipagkasundo siya kay mayor Simon (Nonie Buencamino) na itutuloy niya ang pangangampanya niya para rito kapalit ng pagtago sa sikreto niyang itinatago – ang pagpatay niya noon sa nanay ni Joy.
Matuklasan pa kaya ni Joy ang totoong nangyari sa kanyang ina? Manunumbalik na ba kay Bro ang mga tao dahil sa nangyaring milagro?
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.