in

Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., matindi ang paghahanda para sa ‘Agimat ng Agila!’

Nalalapit na ang pagbabalik-telebisyon ni Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kanyang upcoming action-packed family drama series na ‘Agimat ng Agila’ na mapapanood na simula May 1. 

Gagampanan ni Bong ang karakter ni Major Gabriel Labrador, ang magiting na pinuno ng Task Force Kalikasan na magiging bagong tagapagligtas laban sa kasamaan matapos mabiyayaan ng kapangyarihan ng ‘Agimat ng Agila.’  

Kuwento ni Bong, matindi ang paghahanda niya para sa kanyang role. “Dahil halos five years akong hindi nakaharap sa camera, and the circumstances behind it, ang ginawa kong mental attitude is para akong nag-u-umpisa ulit. Matindi kasi ‘yung parang ring rust ng fighters. Siyempre ayaw natin i-disappoint ang ating mga tagahanga at manonood na matagal naghintay na mapanood tayo ulit,” aniya. 

Sumabak din daw sa physical training ang aktor para sa serye, “I physically trained for no less than three hours a day for months – weights; running; cardio; muay thai; boxing; at iba pang mixed martial arts. Nag re-train din ako sa weapons para lang bumalik ‘yung muscle memory.”

Samantala, makakasama ni Bong sa programa sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Edgar Allan Guzman, Miggs Cuaderno, at Ian Ignacio. May special participation din si Sheryl Cruz. 

Tunghayan ang exciting adventures ni Major Gabriel sa world premiere ng Agimat ng Agila, sa May 1 na, pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Almost Paradise,’ libreng mapapanood sa Ingles at Filipino sa iWantTFC

Lorna Tolentino, mapapalayas na ba sa Palasyo sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?