“Professional malasakit” at its core, ika nga ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang ino-offer sa kanyang newest venture, ang delivery service na DingDong.
Para kay Dingdong, ang proyektong ito ang kanyang tulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya partikular na sa mga kasamahan niya sa entertainment industry.
“Sinabi ko noon sa sarili ko na pag dumating ang panahon na may kakayahan na akong tumulong sa iba, pagtatapusin ko ang mga kapatid ko sa pag-aaral at sisikapin ko rin makatulong sa iba,” ani Dingdong sa virtual launch ng DingDong delivery.
Sa pamamagitan ng DingDong, madaling mapapadala ng small business owners ang kanilang products sa kanilang customers. Ang mga riders nito ay dumaan sa masusing training para mapa-experience sa bawat customer nila ang “professional malasakit.”
“With the pandemic, the time is ripe to open new doors for other members of the society. And that is by providing sustainable livelihood opportunities. Taking inspiration from my delivery experience sa flower shop ng aking asawa, we started by working with riders from the entertainment industry to help us urgently dahil alam namin na sobrang necessary ng tulong sa kanila dahil ang entertainment industry ang isa sa pinakatinamaan sa panahon ngayon,” saad ni Dingdong.
Sa ngayon, ang DingDong ay marami nang natutulungan na iba’t ibang indibidwal at small business owners. Para sa karagdagang impormasyon sa DingDong Delivery, bisitahin lang ang www.dingdong.ph.