in

Ilang Kapuso stars, nag-share ng recipe sa ‘Good News’

Ngayong pandemya, sumabak rin sa kusina ang mga Kapuso star at ang iba nga sa kanila, ibinahagi ang kanilang recipe sa Good News na mapapanuod ngayong Lunes (April 19) sa GTV.

Sa tulong ni Maey Bautista, alamin natin ang sikreto ng homemade pizza ni Jennylyn Mercado. Ipapakita naman ni Richard Yap ang kanyang fried rice recipe. Para sa healthy and yummy pasta recipe, si Alice Dixson ang bahala.

Bukod sa turon o lumpiang shanghai, ituturo rin ng Good News ang kakaibang lumpia recipes na tiyak magugustuhan ng buong pamilya. Aariba sa almusal ang lumpia version ng churros at pancake, habang pwedeng ulam naman ang lumpia tortilla. Para sa meryendang may Italian twist, subukan ang lumpia pizza.

At since “lugaw is essential,” titikman ni Love Añover ang sari-saring mga paandar nito. Uumpisahan niya ang pagsampol ng gotong pinagbibidahan ng puwet ng manok. Abot-langit naman ang kaniyang kabusugan sa mga gotong may sinigang at Bicol Express twist. Para sa lugaw na kakaiba, susubukan niya ang version na may sisig at adobo egg.

Samahan si Vicky Morales sa Good News tuwing Lunes, 5:45 p.m. sa GTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pia Toscano, todo-bigay sa pagbirit sa ‘Kailangan Kita’ Music Video

Barbie Forteza, bibida sa bagong crime-thriller series na ‘I Can See You: The Lookout’