in

Super Tekla, kailangang ilaglag ang ‘Jowables’ para ipromote ang kanyang movie?

Maraming naloka sa naging statement ni Super Tekla noong presscon ng kanyang launching movie kailan lang sa GMA Network.

Akalain ba ninyong tawagin ni Super Tekla na “balaj” o balahura ang trailer ng ‘Jowable’ dahil sa mga bulgar na dialogue ng karakter na ginampanan ni Kim Molina?

Habang karamihan ng mga celebrities ay pressured kapag mayroong movie, si Tekla ay malala ang lakas ng loob

“Napanood ko yung trailer ng Jowable at kampante ako.Hindi nila crowd yung mga bata, not unlike Kiko En Lala. Nang mapanood ko ang trailer, ‘Oh my God, ganoon na pala talaga ka-balaj [balahura] ang comedy movie, sobrang nakakalungkot. Gaya nga ng sinasabi ko, ang daming salita na puwedeng ilapat pagdating sa komedya. Manood ka ng old movies na mga comedy, old school, pero yung touch ng comedy, maganda, sabi ni Tekla sa interview ng PEP.ph.

Ngayon, ang balaj! Noong mapanood ko yun, oh my God, kaya kampante ako sa Kiko En Lala. Malapit ang puso ko sa mga bata kaya nang tanggapin ko yung project, ayoko yung mga bakla na sobrang bastusin. Gusto ko yung baklang kiliti, kiti-kiti na karakter, yung mahuhumaling yung mga bagets. Kahit saan ako magpunta, tumatakbo yung mga bata, niyayakap ako. Yun ang gusto ko kaya itong movie ko, pampamilya siya,” dagdag pa niya.

Ano kayang nakain ni Super Tekla nang araw na ‘yun? Sabagay, ikaw ba naman pagkatiwalaan agad ng isang launching movie ng GMA Pictures kahit hindi ka pa talaga ganung kakilala ng madla, talagang lalakas loob mo… Pero nasobrahan ‘ata?

Nalungkot naman si Kim Molina sa sinabi ‘yon ni Super Tekla. Si Jerald Napoles (ang real-life ‘jowa’ ni Kim Molina) ang gumanap na Super Tekla noon sa life story ng komedyante sa ‘Magpakailanman.’

Ang ‘Jowable’ ang launching movie ni Kim Molina na makakasabay ng launching movie ni Super Tekla na ‘Kiko En Lala’ sa mga sinehan sa September 25. Tingnan na lang kung alin ang papatok at talagang magugustuhan ng mga moviegoers.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Top trending ng ‘The Gift,’ hindi naconvert sa ratings

Matteo Guidicelli, tuloy na sa ‘Pedro Penduko’