in

Rei Tan sinalubong si Ruru Madrid sa Beautéderm

BINIBUKSAN ng Beautéderm Corporation ang summer season sa pamamagitan ng isang sizzling hot new addition sa pabolosang roster ng mga A-list celebrity brand ambassador nito sa pormal na pagsalubong sa Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid sa pamilya.

“Very welcome addition si Ruru sa Beautéderm family,” sabi ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan. “Isa si Ruru sa mga primiere leading men ng GMA-7 at isa siyang extremely gifted actor. Very strong at potent din ng kanyang online reach na perfect para sa Beautéderm. Nakakamangha ang kanyang professionalism antkindness. At napakasarap niyang katrabaho. Surely, this is the start of a wonderful partnership.”

Halos isang dekada na si Ruru sa industriya at nagbida siya sa ilan sa mga top-rating series ng GMA-7, ang at pinakahuli ay ang The Gift kung saan ginampanan niya ang papel ni Eloy. Sa ngayon, naghahanda si Ruru para sa lead role ng nalalapit na GMA-7 primetime series na Lolong – isang action-fantasy na itinuturing na pinakamalaking proyekto ng network to date. Sa Lolong, magbibida si Ruru kasama sina Shaira Diaz at Arrab San Agustin. Isa rin siya s amga hosts ng All Out Sunday (AOS) at paboritong miyembro ng OG Group ng naturang Sunday afternoon variety show.

“Isang privilege at honor na maging bahagi ng Beautéderm family,” ayon kay Ruru. “Grateful ako kay Ms. Rei Tan sa kanyang pagtitiwala sa akin n amaging brand ambassador at di na ako makapaghintay sa mga exciting na projects na gagawin naming.”

Ang mga personal na paboritong Beautéderm products ni Ruru ay ang grooming essentials ng Spruce & Dash collection ng brand na kinabibilangan ng: Beau Charcoal Soap, Lad Hair Pomade, Hugh Shaving Cream, Charcoal Charmer Face Mask, at Brawn Anti-perspirant White Spray – na mga produktong bahagi ng daily regimen ng batang aktor.

“Perfect ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm sa aking very active lifestyle,” paliwanag ni Ruru. “Lagi akong on-the-go at lagi akong busy sa trabaho so I have to make sure that I look and feel my best every time I face other people. Bininigyan ako ng Spruce & Dash collection ng extra boost of confidence n aaking kailangan especially when I am having a long day. I start my day with a refreshing shower with Beau Charcoal Soap, a clean shave with Hugh Shaving Cream, a sprits of Brawn for long-lasting freshness, and I cap-off my grooming by styling my hair with Lad. I reward myself with a hot bath at the end of the day with Beau and Charcoal Charmer to remove excess dirt from my face.”

Tunay nga na ang the partnership sa pagitan ng Beautéderm at ni Ruru ay ang perfect combination ngayong summer at kahit na anong season – pareho silang fresh, hot, at utterly delightful.

Para sa mga kapanapanabik na balita at updates sa Beautéderm at kay Ruru Madrid sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at magsubscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Howie Severino, may podcast na!

‘Almost Paradise’ US series episode na dinirek ni Dan Villegas, ipalalabas na