Pwede nang balik-balikan ng viewers mula umpisa ang mga paboritong Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba,” “Walang Hanggang Paalam,” at “Bagong Umaga” dahil napapanood na ang lahat ng episodes nito nang libre at walang bayad sa iWantTFC streaming service.
Mae-enjoy ito ng mga manonood sa Pilipinas kapag gumawa sila ng iWantTFC account pagkatapos i-download ang iWantTFC app sa iOS o Android o bisitahin ang iwanttfc.com.
Samahan si Cardo sa kanyang paghihiganti para sa pagkamatay ng kanyang asawa sa maaaksyon niyang sagupaan laban sa Black Ops ni Jane de Leon sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Huwag ding palampasin ang kapanapanabik na paghahanap ng hustisya nina Paulo Avelino, Angelica Panganiban, at Arci Munoz laban kay Zanjoe Marudo sa huling dalawang linggo ng “Walang Hanggang Paalam.”
Mapapanood naman sa inspirational series na “Huwag Kang Mangamba” ang simula ng misyon ni Mira (Andrea Brillantes) na ibalik ang pananampalataya sa Diyos ng mga taga-Hermoso, kabilang na ang kay Joy (Francine Diaz).
Umiinit na rin ang mga eksena sa “Bagong Umaga” dahil makakahanap ng matibay na ebidensya si Tisay (Heaven Peralejo) na magagamit niya upang lalong idiin si Cai (Barbie Imperial) sa pagkamatay ng kapatid ni Ely (Tony Labrusca).
Para naman sa mga gustong mapanood ang pinakabagong episodes ng mga ito dalawang araw bago sila ipalabas sa TV, mag-subscribe lang sa standard (P59/month) o premium (P119/month) plan ng iWantTFC.
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].