in

‘I Can See You: #Future,’ trending ang pilot episode!

Mainit ang naging pagtanggap ng netizens at viewers sa unang episode ng hit drama series na ‘I Can See You: #Future’ nitong Lunes (April 5).

Pasok sa trending list sa Philippines at nag-number 1 pa nga ang hashtag na #ICSYFuture. Aprubado rin sa netizens at viewers ang mahusay na performance ng mga bida pati na rin ang naiibang kwento ng #Future na pinaghalong romance at sci-fi.

Tampok dito ang Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara. Kwento ito ng social media addict at segment producer na si Vinchie (Miguel) na magkakaroon ng kakayahang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng CCTV footage. Dahil sa bagong kapangyarihan ay maililigtas niya sa kapahamakan ang misteryosong babae na si Lara (Kyline).

Mapapanood ang mini-series na ‘I Can See You: #Future’ hanggang April 9, pagkatapos ng First Yaya, sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gerald Anderson at JM de Guzman, pag-aagawan ang puso ni Yam Concepcion sa ‘Init Sa Magdamag’

VJ Ai dela Cruz, sumabak sa virtual dating game