in

Arny Ross, ang wedding preparations

Sa isang interview, ibinahagi ni Arny Ross na apektado rin ng enhanced community quarantine ang wedding preparations nila ng fiancé na si Franklin Banogon.

Naka-set silang ikasal Disyembre ngayong taon. Ayon kay Arny, “Buti nga sinet namin siya ng December na, nung January 2020 nag-decided kami ng December na. Kasi nagka-ash fall, di ba? So, sabi namin perfect na ‘yung December, ‘tapos ang na-postpone lang is dapat tapos na ‘yung prenup namin ngayong April. Kaso because of this virus kailangan i-move. I ask the photographer kung kelan puwede or possible, feeling niya daw mga July na yan.”

Dagdag ng ‘Bubble Gang’ mainstay, hindi rin natuloy ang meeting nila sa designer ng wedding gown niya, “So far, okay naman ako kahit malate na ‘yung prenup, ‘yung planning medyo nai-stop siya kasi like dapat nasa wedding gown na sana kami parang ime-meet na namin ‘yung designer, hindi natuloy.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Baeby Baste, may sweet message para sa amang frontliner

AiAi delas Alas, ginupitan ang asawang si Gerald Sibayan