in

Rocco Nacino, mapapanuod na sa ‘Owe My Love’

Marami na ang nakaabang sa magiging papel ng karakter ni Rocco Nacino sa GMA primetime series na ‘Owe My Love.’ Gaganap si Rocco as Dr. Kenneth Paul at mapapanuod na siya sa serye nina Lovi Poe at Benjamin Alves simula ngayong Lunes, Abril 5.

Matapos madismaya sa naging pag-iwas ni Migs (Benjamin) sa pag level up ng kanilang relasyon, determinado pa rin si Sensen (Lovi) na tapusin ang kaniyang kontrata bilang caregiver ni Lolo Badong (Leo Martinez) at panatilihin ang kanilang pagpapanggap na mag-asawa ni Migs.

Muling namang magtatagpo ang kanilang landas ng dating niyang orgmate sa college na si Doctor Kenneth (Rocco). Nagbabalik si Doc Kenneth sa Brgy. Petsa de Peligro bilang bagong full-fledged cardiothoracic surgeon sa Centimos Medical Hospital at magsisilbing Head of Medical Services dito.

Tanong tuloy ng viewers, may mamumuo bang love triangle sa kanila? Si Doc Kenneth ba ay kaibigan o kaaway?

Subaybayan ang lalong kapana-panabik na mga eksena sa ‘Owe My Love,’ gabi-gabi, 9:35 P.M. sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Just Love Kids, may pa-birthday shout-out para sa mga bata

Gerald Anderson at JM de Guzman, pag-aagawan ang puso ni Yam Concepcion sa ‘Init Sa Magdamag’