in

Just Love Kids, may pa-birthday shout-out para sa mga bata

May sorpresang birthday shout-outs ang Just Love Kids website ng ABS-CBN para sa mga bata sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan sa kani-kanilang tahanan.

Dating napapanood sa YeY channel, digital na ang “Happy BirthYeY” o buwanang birthday greeting para sa mga batang may edad 12-anyos pababa. Maaaring mag-register ng maaga para siguraduhin na kasama ang inyong mga anak sa espesyal na pagbati.

Samantala, bahagi na rin ng Just Love Kids playlist ang video lesson series para sa Elementary English na “Ready, Set, Read.” Tampok sa bagong programa ng Knowledge Channel ang rhymes, sayaw, graphics, at animation na base sa Most Essential Learning Competencies (MELC) at Teacher’s Guides ng DepEd.

Mapapanood sa “Ready, Set, Read” sina Joji at ang kanyang mga kaibigang hayop na sina Mark (butiki), Ogot (kambing), Cathy (pusa), at Nene (salagubang) na may adventure araw-araw para madiskubre ang iba’t ibang konsepto ng wikang Ingles.


Isa sa digital ventures ng ABS-CBN ang Just Love Kids na may libreng streaming on-demand ng mga bago at minahal na Kapamilya programs para sa kaalaman, libangan, at paglalaro ng mga bata.

Bisitahin na ang Just Love Kids sa justlovekids.abs-cbn.com. Para sa iba pang detalye, i-like ang @JustLoveKidsPH sa Facebook.

Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Edgar Allan Guzman, Best Supporting Actor sa 4th EDDYS

Rocco Nacino, mapapanuod na sa ‘Owe My Love’