Maraming fans ang nalulungkot nang inilabas na ang ratings last Monday (September 16) ng ‘The Gift’ na nakakuha lamang ng 15.7% sa pilot episode nito mula sa Kantar Media.
Samantala, wala pa ring NUTAM data na lumalabas na dati-rati’y agad-agad ibinabandera kapag nananalo ang mga Kapuso shows.
‘Di hamak na talagang mababa ito kumpara sa mga dating shows na napunta sa second slot.
Nang magsimula ang ‘The Better Woman’ sa second timeslot noong July 1 ay nakakuha ito ng mas mababa pang rating na 14.0% habang ang ‘Sahaya’ naman na nagsimula rin sa second timeslot ay nakakuha naman ng 15.9% noong March 18 (pilot episode) at ang ‘Onanay’ naman ay may magandang pagsisimula na nakakuha ng 17.7% noong August 6, 2018 ayon pa rin sa Kantar Media.
Ang #TheGiftWORLDPremiere na official hashtag ng bagong Kapuso show ay talaga namang umariba sa Twitter Trending Topics. Katunayan, number 1 ito locally habang umabot ito ng Top 5 worldwide.
Ang kaso lang, hindi nagtranslate ang trending na tinalo ang katapat na ‘The General’s Daughter’ sa Twitter, pero wagi pa rin ang show ni Angel Locsin sa ratings, at malayo talaga ang lamang.
Kahit ganito ang naging simula, marami pa ring umaasang aakyat pa ito at tataas sa mga susunod na araw dahil si Alden Richards na ‘yan na kakatapos lang bigyan ng Asia’s Multimedia Star title ng GMA Network pagkatapos makatanggap ng ilang mga awards internationally at ang latest niyang movie with Kathryn Bernardo ay talaga namang humimig ng malaki sa takilya. Ang ‘Hello, Love’ Goodbye’ ay itinuturing na ngayong highest grossing Filipino film of all time na mayroon nang mahigit Php 800 million na kinita.