in

‘Daig Kayo Ng Lola Ko,’ may back-to-back episodes ngayong Maundy Thursday

Ngayong Holy Week, balikan ang mga masasayang kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa back-to-back episodes ng well-loved anthology na ‘Daig Kayo Ng Lola Ko.’

Bilang bahagi ng special Maundy Thursday programming ng Kapuso Network, muling mapapanood ang mga minahal na kuwento ng “Ang Kwento ni Boggs Bunny” at “The Runaway Princess Bride.”

Tampok sa “Ang Kwento ni Boggs Bunny” ang Kapuso actress na si Carla Abellana bilang si Boggs, ang makulit na Easter Bunny.

Susundan naman ito ng romance fantasy episode na “The Runaway Princess Bride” tampok si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na gaganap bilang si Annie, ang prinsesang tatakas sa mortal world para iwasang maipakasal sa lalaking hindi niya mahal.

‘Wag palampasin ang back-to-back episodes ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ ngayong Maundy Thursday (April 1), simula 12:00pm, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Teleradyo anchors, nasa digital na rin para maglingkod sa mas maraming Pinoy

‘Huwag Kang Mangamba’ marathon, mapapanood ngayong Holy Week sa Kapamilya Channel