in

‘Magkaagaw,’ kapana-panabik ang pagtatapos

Tiyak na kaabang-abang ang finale episode ng top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw’ ngayong Miyerkules (March 31).

Kuwento ni Klea Pineda, “Kailangan nilang abangan kung ano ang mangyayari sa pamilya nina Clarisse (Klea) at Jio (Jeric Gonzales), kung paano nila babaguhin ang mga sarili nila, kung papatawarin nga ba agad ni Clarisse si Jio pagkatapos ng lahat ng nangyari o tuluyan na nga bang mawawasak ang kanilang pamilya.”

Samantala, nagpapasalamat naman si Jeric sa mga sumuporta sa Magkaagaw mula noong simula. Aniya, “Maraming salamat po sa lahat ng mga tumangkilik at sumuporta. Para po sa inyo ang lahat ng pinaghirapan namin. Salamat po.”

Tutukan ang pagtatapos ng ‘Magkaagaw’ ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Eat Bulaga, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Ultimate Bida Star’ malalaman sa Final Act ngayong Marso 31

Vivoree Esclito, nag-ala Rihanna sa unang panalo sa ‘YFSF Season 3’