in

‘Ultimate Bida Star’ malalaman sa Final Act ngayong Marso 31

Makikilala na ang susunod na magkakamit ng pangarap maging Kapamilya star sa finals ng online star search na “Bida Star Gandang Naturally Fresh” ngayong Miyerkules (Marso 31) sa ABS CBN Star Hunt at Star Magic Facebook pages and YouTube Channel.

Magiging mas mahigpit pa ang labanan nina Mikaela Angela, Ruth Paga, Ayra Paraiso, at Nice Sevilla dahil 50% ng kanilang total score ay magmumula sa scores nila sa workshop with Star Magic Acting Guru to the stars na si Direk Rahyan at ang natitirang 50% ay manggagaling naman sa boto ng kanilang supporters sa kumu, at sa KTX.PH.

Nagpakitang gilas ang apat noong isang linggo para makuha ang top 4 slots matapos ang Eskinol acting challenge sa gabay ni Direk Rahyan.

Bongga naman ang premyong matatanggap ng Ultimate Bida Star, kasama dito ang ABS-CBN management contract, Eskinol Talent Contract, Star Magic Workshop, sariling digital show, tsansa na makasama ang ilang Kapamilya stars sa isang digital film, at P50,000.

Para sa updates tungkol sa audition at eksklusibong content ng “Bida Star,” i-follow lang ang Star Hunt sa Facebook (@starhuntabscbn), Kumu (@starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), Instagram (@starhuntabscbn), at Tiktok (@starhuntabscbn).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos, bitin sa moments nina Apple at Harvey?

‘Magkaagaw,’ kapana-panabik ang pagtatapos