in

Food trip, ultimate bonding experience ng ‘The Lost Recipe’ cast

From adobo to iba’t ibang Filipino dishes, talagang napapatakam ang viewers sa mga putaheng na-feature sa GMA Public Affairs romance-fantasy series na The Lost Recipe!

Pero alam n’yo ba na pagkain din ang dahilan kung bakit super close ang buong cast sa isa’t isa? Ito ang revelation ni Paul Salas sa latest episode ng Press Play ni Kapuso PR Girl kasama ang kanyang co-star na si Thea Tolentino.

“Unang-una food trip and ang jamming sessions natin. Yun ang pinaka-mamimiss ko. Yung pag-standby tayo, wala tayong ginagawa at nasa tent tayo, may jamming sessions tayo, at nagfu-food trip,” ani ni Paul na gumaganap bilang Frank.

Agad naman itong sinang-ayunan ni Thea na gumaganap bilang si Chef Ginger. “Ako rin!”

Mapapanuod ang buong video nina Paul at Thea sa official YouTube channel ni Kapuso PR Girl (www.youtube.com/KapusoPRGirl).

At ngayon ngang ilang tulog na lang ay finale na ng The Lost Recipe, talagang pasarap nang pasarap at kaabang-abang ang mga eksena! Sa March 31 na ito magtatapos kaya naman huwag palampasin, 8:50 p.m., sa GTV with simulcast sa digital channel na Heart of Asia! At ngayong Holy Week, may handog din ang The Lost Recipe dahil mapapanuod ang favorite ninyong episodes ng serye mula Maundy Thursday hanggang Black Saturday.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pagtugon ng ABS-CBN sa pandemya ng COVID-19, nanalo ng Philippine Quill Award

‘First Yaya’ marathon ngayong Biyernes Santo at Sabado de Gloria sa GMA Network