in

Kyline Alcantara, may aral na natutunan sa ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’

Ngayong Biyernes (March 26) ay mapapanood na ang inaabangang finale episode ng GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Isang taon mula nang unang umere ang serye, isa raw sa pinaka-importanteng aral na natutunan ng isa sa lead stars nito na si Kyline Alcantara ay ang kahalagahan ng pamilya.

Aniya, “That family is family. No matter how many hardships, struggles, ups and downs you have faced together or apart you’re still family. You will stand up for each and other and learn to forgive.”

Ibinahagi rin ni Kyline kung ano ang dapat abangan ng viewers sa pagtatapos ng kanilang series, “A lot. If magkakapatawaran ba ang mga Santos at Dela Cruz, may happy ending ba pa kay Maggie at Jun? At mabubuo nga ba ang pamilya na inaasam ni Maggie?”

Nagpaabot din ng pasasalamat si Kyline sa mga walang sawang sumuporta ng kanilang palabas mula umpisa hanggang huli, “Thank you so much sa lahat ng sumubaybay sa Bilangin ang Bituin sa Langit. Sa pakikisama sa amin ng isang buong taon at sinamahan kami sa aming kwento. Mula sa aming puso hanggang sa mga bituin sa langit maraming salamat po.”

‘Wag palampasin ang finale ng Bilangin ang Bituin sa Langit ngayong Biyernes, pagkatapos ng Babawiin Ko Ang Lahat, sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘I Can See You: On My Way To You’ nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, patok sa netizens!

Nagbabalik entablado na si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kaniyang parating na virtual ‘TALA: The Film Concert’