in

Mahigit 100 Kapamilya stars, naglunsad ng kani-kanilang Kumu shows

Kani-kaniyang talento at gimik ang inihandog ng Kapamilya stars sa naging star-studded “Big 4 Hours” digital event noong Biyernes (Marso 19) upang ipasilip sa Kumunizens ang mga pasabog na lalamanin ng kanilang sariling mga show sa Kumu.

Mula sa pagkanta, pagsayaw, at masayang kwentuhan, ipinamalas ng Kapamilya artists mula sa “PBB Connect,” BGYO, BINI, MNL48, Star Magic, Star Hunt, Polaris (“It’s Showtime” talents), at RISE Artists Studio sa loob ng mahigit apat na oras, ang dapat abangan ng Kumunity sa kanilang pagla-livestream sa naturang app.

Makasaysayan ang naging digital event dahil hudyat ito ng mas pinalakas na pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at Kumu para bigyang pagkakataon ang fans na kumunect pa rin sa kanilang mga idolo sa gitna ng pandemya.

Sabi nga ni Direk Laurenti Dyogi, ABS-CBN entertainment production head at head ofStar Magic head, “thank you for allowing our artists to have a platform, especially a time when a lot of their fans are isolated. There’s no on-ground opportunities for our artists to interact with their fans, but with Kumu, they’ll be able to maintain a relationship and have a meaningful engagement with their fans.”

Dagdag din ni Direk na mas mahuhubog ng Kapamilya stars ang kanilang iba’t ibang talento sa livestreams nila sa Kumu.

Ibinahagi rin ni Kumu president and co-founder Rexy Dorado ang paghanga at pasasalamat sa ABS-CBN dahil sa commitment nitong mas paigtingin pa ang handog na mga palabas sa Kumu at mas palawakin pa ang Kumunity simula nang inilunsad ang Kumu.

“I just wanted to commend ABS-CBN and the whole Kapamilya for taking such a commitment for the growth of this from the very beginning. It was a year and a half ago when we started working together. We were a much, much smaller platform then, and I think the kind of stuff that we’ve done together, the kind of things that ABS-CBN is doing on Kumu are things that haven’t been done before,” kwento ni Dorado.

Mag-sign up na sa Kumu at i-follow ang Kapamilya stars para mapanood ang kanilang regular Kumu livestreams. Para iba pang Kapamilya updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aicelle Santos, miss na miss ang kanyang lola sa probinsya

Klarisse de Guzman, naungusan si CJ Navato para sa ikalawang panalo sa ‘Your Face Sounds Familiar Season 3’