Simula ngayong Lunes (March 22) ay mapapanood na ang first installment ng ikalawang season ng groundbreaking drama series ng GMA Network na ‘I Can See You: On My Way To You’ na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz.
Kwento ito ng isang runaway bride na si Raki (Shaira) na pansamantalang titira sa isang mountain lodge kung saan makikilala niya si Jerrick (Ruru), isang misteryosong lalake na iniwan naman ng kanyang bride.
At dahil runaway bride ang theme ng kanilang episode, ibinahagi nina Ruru at Shaira ang kanilang opinyon pagdating sa pagse-settle down.
Ani Shaira, “Para sa akin, ‘yung marriage sobrang sacred. Sobrang inu-honor ko ito at madami akong goal bago ako pumasok sa ganun. Gusto ko siguradong-sigurado ako and ayoko ‘yung pabigla-bigla.”
Para naman kay Ruru, nais niya rin munang maabot ang kaniyang goals sa buhay bago pasukin ang buhay may asawa, “Like ako, napaka goal-oriented ko na tao, napakarami ko pang gustong ma-achieve sa life, napakarami ko pang gustong matulungan sa buhay.”
Abangan ang rason kung bakit nga ba tinakbuhan ni Raki ang kanyang groom sa first episode ng second season ng I Can See You na On My Way To You ngayong Lunes na, pagkatapos ng First Yaya, sa GMA-7.