Katapusan na nga ba ni Caesar (Simon Ibarra) nang mabaril ito ng mga pulis matapos magtangkang tumakas sa kulungan?
Nadakip si Caesar ng mga pulis matapos harapin ni Marissa (Jodi Sta Maria) na nais nang tapusin ang gulo na kinasasangkutan niya nitong Miyerkules (Marso 17) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin. Ngunit hindi nagtagal, nakahanap ito ng paraan para tumakas.
Sa kasamaang palad, hindi ito nagtagumpay. Napuruhan ito ng mga pulis at nalaglag sa malalim na bahagi ng gubat. Doon ito nagdeliryo at tinanggap na ang kanyang kamatayan.
Samantala, nakumpirma na ni Gabriel (Sam Milby) ang kanyang matagal nang suspetsa tungkol kay Belen—na ito ay may tinatagong kasamaan sa likod ng pinapakitang malasakit sa anak na si Ellice (Iza Calzado). Natuklasan ni Gabriel na nagnanakaw ito sa Cenidoza.
Dahil malinaw ang ebidensya, lalung nalugmok si Ellice sa kawalan ng pag-asa at agad na tinakwil ang ina.
Wala na nga bang panganib sa buhay ni Marissa ngayong hindi na nakatakas si Caesar sa mga pulis? Saan ngayon pupulutin si Belen matapos itakwil ni Ellice?
Tutukan ang huling dalawang araw ng “Ang Sa Iyo Ay Akin,” 8:40 PM sa A2Z channel at TV5 dahil may pasabog na bubulaga sa manonood.
Ang “AngSa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.
I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).
Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.