Simula ngayong Linggo (March 21), mapapanood na rin ang paboritong Sunday musical comedy variety show na ‘All-Out Sundays’ sa GTV.
Last Sunday ay inanunsyo ng AyOS Barkada na mas maraming viewers pa ang pwedeng makisaya sa kanilang all-out sayawan, kantahan, at tawanan dahil mapapanood na rin ang ‘All-Out Sundays’ sa GTV.
“Same time, same All-OUT entertainment. Starting this Sunday, mapapanood n’yo na rin ang #AllOutSundays sa GTV!!!”
Maraming fans naman ng show ang natuwa sa naturang good news. Ani ng Facebook user na si Keith Ramos, “Thank you po, this is what I’m asking for.”
May ilan ding nakapansin sa new and improved logo ng All-Out Sundays, “Ganda ng logo ngayon ah!”
Huwag palampasin ang mga bigatin at nakaaaliw na performances ng brightest Kapuso stars ngayong Linggo sa All-Out Sundays, 12nn, sa GMA-7 at GTV!