in

Lovi Poe, kinilig sa magic abs ni Ben Alves?

Subok na ang chemistry nina Lovi Poe at Ben Alves sa screen dahil ilang beses na rin silang nagkasama mapa-telebisyon o pelikula. Kaya naman sa Owe My Love, natural na ang spark sa pagitan ng mga karakter na ginagampanan nila na sina Sensen at Doc Migs.

Hindi na rin naiilang pa si Lovi sa paghirit ng mga biro sa kanyang co-actor sa serye. Sa kanyang social media post, humirit pa ang Kapuso actress na: “In fairness talaga kay papa Ben. May magic.”

Agad namang na-gets ng netizens ang biro ni Lovi: “Magic abs” na agad kinumpirma ng OML actress: “Natumpak mo ang magic na tinutukoy ko!”

Parehong mahilig mag work out sina Lovi at Ben at minsan nga ay nashare nila sa isang interview na sinisimulan nila ang araw nila sa set sa pamamagitan ng pag-e-exercise.

Bukod sa health benefits, tila effective rin sa pagpapaganda ng serye ang positive outlook ng dalawa dahil gabi-gabing sinusubaybayan ang OML.

Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng cast sa pag-portray ng kani-kanilang role. Nariyan ang mainis na ang viewers sa kasamaan nina Divina (Jackie Lou Blanco) at Trixie (Winwyn Marquez). Lahat kasi ay gagawin ni Divina, mapunta lang sa kanya ang kayamanan ng mga Alcancia–kahit ikapahamak pa ito ni Lolo Badong (Leo Martinez).

Pero tila nawawala na naman si Lolo Badong dahil sa pag-atake ng kanyang dementia. Para mabawasan ang pag-aalala ni Migs (Benjamin), sasamahan siya ni Sensen (Lovi) sa paghahanap kay Lolo Badong na ikagagalit naman ni Trixie.

Naku, ano na naman kaya ang problemang haharapin ni Sensen? Ang kanyang tatay naman na si Oryo (Pekto Nacua), talaga bang ‘changed man’ na? Sana naman dahil ang dami ng sakripisyo ng kanyang anak na si Sensen at ng kanyang asawang si Coring (Ruby Rodriguez).

Ano naman kaya ang mangyayari sa pagitan nina Gwaps (Buboy Villar) at Evs (Kiray Celis)? May aamin na nga ba? Eh ang pagmamahalan nina Jenny Rose (Jelai Andres) at Eddie (Jon Guttierez), hanggang saan kaya makakarating ngayong nabuko na nila ang kanila-kanilang tunay na pagkatao at estado sa buhay?

Tutok na sa Owe My Love, gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Yasser Marta at Alex Diaz, pinakilig ang netizens sa kanilang ‘Fairy Tail Romance’

Pagtatapos ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,’ wagi na sa ratings, trending pa!