in

Yasser Marta at Alex Diaz, pinakilig ang netizens sa kanilang ‘Fairy Tail Romance’

Mala-fairy tale ang kilig na pinamalas nina Yasser Marta at Alex Diaz sa first part ng latest story na tampok sa My Fantastic Pag-ibig ng GTV noong Sabado!

Pinamagatang “Fairy Tail Romance,” kuwento ito tungkol sa pag-iibigan ng isang sireno at isang mortal. Si Alex ay gumanap bilang si Lantis, isang sireno, habang si Yasser si Nep, ang lalaking bumighani sa puso ng una.

Balita namin, talaga namang tinutukan ng viewers ang kakaibang pairing na ito sa TV. Request pa nga ng viewers, sana raw ay pahabain pa ito. “Nakakabitin naman, sana paabutin nalang hanggang episode 10,” komento ng isang netizen.

Marami rin ang pumuri sa mahusay na pagganap nina Yasser at Alex. “Eto ‘yung super rare na maipalabas sa Philippine TV eh, kudos sa team na lakas loob na gumawa nito. And they chose the perfect cast!” say ng isa pang netizen.

Abangan ang ikalawa at huling episode ng My Fantastic Pag-ibig: Fairy Tail Romance sa Sabado, March 20, sa GTV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mahigit 100 Kapamilya stars, maghahatid ng liwanag at ligaya sa Kumu

Lovi Poe, kinilig sa magic abs ni Ben Alves?