in

Thia Thomalla at Pancho Magno, ready na sa mga karakter nila sa ‘First Yaya’

Ibinahagi nina Thia Thomalla at Pancho Magno ang ilan sa ginawa nilang paghahanda para sa kanilang role bilang miyembro ng Presidential Security Team sa upcoming Kapuso romantic-comedy series na First Yaya.

Aminado si Thia na challenging gampanan ang kaniyang character na si PSG Val Canete lalo pa at malayo ito sa kaniyang personalidad at kakaiba mula sa kaniyang previous roles.

Aniya, “There was only one time na nag-Zoom kami ng mga PSG, nag-usap kami kung ano ang mga dos and don’ts, pati ’yung mga research namin. Medyo nahirapan din ako … but I’m really happy with the role and I hope na ma-enjoy ninyo ang scene namin ni Pancho kasi sobrang nag-enjoy kami ni Pancho and sana ma-justify namin ’yun.”

Samantala, ibinahagi naman ni Pancho Magno na siyang gaganap bilang si PSG Conrad Enriquez na sumabak din sila sa martial arts at firing training para sa serye.

“Nag-firing kami para ma-practice ’yung stance, kung paano ’yung proper na paghawak ng hand gun, and siyempre nag-training din kami kung paano ’yung mga positioning, kung ano ’yung mga ginagawa ng mga PSG. Nag-research kami about doon,” ani ng Kapuso actor.

Abangan ang world premiere ng First Yaya ngayong Lunes (March 15) na, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kelvin Miranda, umamin na kay Mikee Quintos!

‘Separada’ ni Maricel Soriano, palabas sa Ricky Lee Festival ng ABS-CBN Film Restoration sa KTX