in

‘Ang Sa Iyo Ay Akin’ finale, ‘Huwag Kang Mangamba’ at ‘Aja Aja’ unang mapanood sa iWantTFC

iWantTFC subscribers ang unang makakapanood ng pagtatapos ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” at pagsisimula ng bagong ABS-CBN programs na “Huwag Kang Mangamba” at “Aja Aja Tayo Sa Jeju” ngayong Marso dalawang araw bago sila ipalabas sa TV.

Ang iWantTFC ang kauna-unahang streaming service na available sa mga Pilipino sa buong mundo at naglalaman ng pinakamalaking koleksyon ng mga bago at minahal na Filipino movies at shows, kabilang na ang advance episodes ng mga Kapamilya teleserye na kasalukuyang ipinapalabas.

Para mga hindi na makapaghintay sa kahihinatnan ng relasyon nila Marissa (Jodi Sta. Maria) at Ellice (Iza Calzado) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin,” ipapalabas ang pagtatapos ng serye sa iWantTFC sa Marso 17, dalawang araw bago ito mapanood sa kahit anong channel o ABS-CBN platform.

Sa iWantTFC rin unang masusulyapan ang kwento ng inspirational teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” ngayong Marso 20 na pagbibidahan nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz, at Kyle Echarri. Ibabahagi nito ang kwento ng dalawang batang pagtatagpuin ng isang aksidente at sisikaping bumalik ang pananampalataya ng bayan nila sa Diyos.

Saya at adventure naman ang hatid ng “Aja Aja Tayo Sa Jeju,” isang bagong variety-reality show kung saan lilibutin nina Robi Domingo, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Donny Pangilinan ang Jeju, South Korea at gagawa ng exciting challenges kasama ang iba’t ibang Pinoy at Korean guests. Una rin itong ipapalabas sa iWantTFC sa Marso 18 bago sa ibang platforms. Linggo-linggo namang mapapanood ang adventures nila sa bagong advance episode na ilalabas kada Huwebes, 8 PM.

Bukod sa mga ito, patuloy pa ring napapanood ang dalawang araw na advance episodes ng mga teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Walang Hanggang Paalam,” at “Bagong Umaga” sa iWantTFC.

Libreng mae-enjoy ng subscribers sa Pilipinas ang pinakahuling episodes ng mga teleseryeng ito sa loob ng pitong araw. Maa-access naman ang lahat ng episodes kapag nag-subscribe sa standard (P59 kada buwan) o premium subscription (P119) para ma-enjoy ang panonood nang walang ads.

Panoorin ang mga ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, piling Samsung Smart TV models, at Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, hinirang na TV Station of the Year Sa VP Choice Awards 2020

Coco Martin, sunod-sunod ang kalbaryo sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’