in

Rodjun Cruz at Dianne Medina, nagpaabot ng tulong sa mga apektado ng health crisis

Kahit pa man may good news na dumating sa kanilang buhay nang ianunsyo ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina ang pagbubuntis nito, hindi naman nakakalimot ang dalawa na magpaabot ng tulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa Instagram ni Dianne, ibinahagi nito ang larawan nila ni Rodjun na suot-suot ang reliable at waterproof personal protective suits (PPE) na gawa ng mga local residents.

Makakatulong daw ang malilikom na pera mula sa mga bibili ng nasabing PPEs sa mga sewer at delivery truck drivers pati na sa kanilang mga pamilya na higit na apektado ng ipinatupad na enhanced community quarantine.

“Let us also support our sewers, delivery truck drivers pati po ang kanilang mga pamilya. This is also our own little way of helping them by promoting their products thank you,” ani ni Dianne.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Betong Sumaya at Ate Gay, patuloy ang pagpapasaya sa mga kababayan sa gitna ng krisis

Baeby Baste, may sweet message para sa amang frontliner