in

Willie Revillame, nagbabala tungkol sa mga pekeng accounts na ginagamit ang ‘Wowowin’

Pinaalalahanan ng Kapuso TV host na si Willie Revillame na maging mag-ingat at huwag magpapaloko ang Kapuso viewers sa online scams na ginagamit ang pangalan ng Wowowin.

Aniya, “Paalala lang po; huwag kayo maniniwala sa mga pages o grupo o groups [on] Facebook na sila ay ‘Tutok To Win.’ Wala po kaming Sabado at Linggo. ‘Wag po. Sa akin lang po kayo maniniwala at ako ang magbibigay sa inyo. ‘Yung iba ho nanloloko. At saka ‘yung mga [numero ng] telepono n’yo, huwag n’yo hong ilalagay.”

Siguraduhing verified o may blue check ang account na gumagamit ng pangalan ng Wowowin upang hindi maloko. I-follow lamang ang Wowowin sa mga sumusunod na accounts: www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.

Simula Lunes hanggang Biyernes, mapapanood nang live ang Wowowin sa TV, YouTube, Facebook at Twitter.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Anthony Rosaldo, nagbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation

Jak Roberto at Sanya Lopez, 10 ang alagang aso!